Quantcast
Channel: Puntong Ala Eh! » Sports
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

SBC Alumni Inter-Batch Basketball and Volleyball

$
0
0

Binuksan  ang centennial celebration ng  St. Bridget College (SBC), Batangas City noong October 20  sa pamamagitan ng Inter-Basketball at Volleyball League  kung saan kalahok ang mga  alumni mula batch ’79 hanggang 2012.

Nagkaroon ng opening program  ang liga  kung saan ipinakilala  ang  muse ng kani kanilang  batch.

Unang nagharap sa basketball ang batch ’79 at batch ’81 at batch ’79 laban sa batch ’89 sa volleyball game.

May 30 basketball at 11 volleyball teams ang nakatakdang magtunggali sa mga susunod na laban na isasagawa tuwing Sabado at Linggo. Inaasahan na matatapos ang liga  sa January 2013.

Ayon kay SBC Pres. Sis. Lydia Ebora, kitang kita ang kasiyahan sa mga alumni at sobra pagmamalaki naman ang nararamdaman niya sa mga Brigidtines. Aniya, dama niya ang pagkakaisa ng mga ito. Mensahe niya sa mga Bridgitines na maging tapat sa values at ideals na natutunan sa St. Bridget.

Sinabi ni Sis. Lydia na ilan pang activities ang nakahanda para sa centennial celebration na gaganapin mula February 1-6 ng susunod na taon.  Ilan dito ay ang spiritual conferences, misa,  grand performances ng Performing Artists Office, pagbabasbas ng centennial markers tulad ng centennial trees at ang paglulunsad ng bulaklak ng St. Bridget  na isang uri ng gumamela mula sa UP los Banos.

Natutuwa siya sapagkat   ang St. Bridget ang kauna unahang institusyon na gagawaran ng ganitong karangalan ayon sa UPLB. (marie v. lualhati)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Latest Images

Trending Articles





Latest Images